Bakit ang boring sa malaking bahay na ito para tuloy gusto kong gumala gala para naman hindi masyadong nabuburyong ang utak ko. Lumakad ako palabas tutal nakabihis naman ako ng maayos kahit maglakad lakad lang ako sa buong village, okay na ako. “Pasensya na kayo, ma’am. Binilin po ni black master ay hindi kayo dapat palabasin,” pigil sa akin nitong mga body guard o bantay ng bahay na ito. “Mga kuya, wag kayong mag alala kasi diyan lang naman ako sa labas hindi ako lalayo.” “P-pero ma'am pasensya na talaga kayo-” “Sige, hayaan niyo siya. Sasama na lang ako,” paglingon ko bumungad ang gwapong mukha ni Liam. Hindi pa rin ako makapaniwala na asawa ko siya gwapo kasi tapos ang hot pa. Tumango ang lalaking hinarangan ako kanina kaya masaya akong lumakad palabas at dumiretso sa kotse na

