Nang makarating kami sa pinaka tuktok ng abandonadong bahay may inaabot siyang envelope. Walang pasabi ko iyong binuksan at pagbasa ko marriage contract namin ni Liam pati ang transferring properties. Mr. Hudson transfer all his property interests to his wife Ira Garcia Madrigal “Akala siguro ni Liam ay naisahan niya ako, nakakagago ikaw na nga ang pinakasalan at minahal pati ba naman properties niya sayo ibibigay.” Biglang sumakit ang ulo ko dahilan kung bakit ako naupo sa sahig at may paulit ulit na nag rerewind sa utak ko. “I love him pero niloko niya ako ang sabi niya ako lang pero dumating ka! Alam mo kayong dalawa ni Eva ang bwisit sa buhay ko minsan na akong nagpanggap bilang kakambal ko at may nangyari sa amin na nagbunga pero hindi nagtagal lumabas ang katotohanan at sinira

