“Dalhin mo sa ibaba ang lalaking iyan please, ako na ang bahala dito basta iligtas mo siya,” nagmamakaawa ako sa kanya na agad din naman niya akong sinunod, bumaba siya habang inaalalayan si Liam. Mabuti na lamang at busy silang lahat kay Ava kaya hindi nila napansin ang pag alis ng doktor kasama si Liam. “Turuan ng leksyon ang babaeng iyan!” utos ni Ava sa dalawang tauhan niya na ngayon ay inaalalayan siya upang isakay sa helicopter. Nagpaiwan na ako dahil kung makikita nila na wala ako hahabulin nila si Liam. “Hindi lang namin siya dapat turuan ng leksyon madam, gagawin namin siyang pulutan mamaya,” natatawang sabi ng dalawang tauhan niya. Bago umalis ang helicopter tumingin si Ava sa akin na ngayon ay nakasakay sa helicopter, “Gawin niyo kung ano ang dapat.” aniya pagkatapos ay

