Nakahiga ako sa may kama..
Nasisinagan na ako ng araw pero parang wala pa din akong lakas para kumilos.
Umagang umaga pero hindi pa din humihinto yung utak ko sa kakaisip kung anong gagawin ko..
Isa na kong disgrasyada.
Hindi ko na matutupad lahat ng pangarap ko.
Lahat ng plano ko nasira.
Ramdam ko yung bigat ng katawan ko .
Sabagay.. may nabubuo na sa tiyan ko.
And no one knows.. only me and sky.
Naririnig kong may kumakatok sa room ko.
Pero wala akong lakas para tumayo.
Mamaya maya biglang bumukas yung pinto..
"Rain.." si sky..
Bakas sa muka nya yung pagaalala..
Habang nililibot niya yung tingin sa sobrang g**o na kwarto ko..
Bumangon ako sa kama bago ngumiti sa kanya.. "Good Morning.." sabi ko..
"Hindi ka ba papasok?"
"Baka hindi na.." ngumiti ako bago pumunta sa banyo para maghilamos..
Umupo si sky sa kama ko at binuksan yung TV ko. "Hindi na din ako papasok." Aniya
Napahinto ako sa sinabi niya, bigla kong hininto yung paghihilamos ko bago kinuha ko yung twalya ko at pinunasan yung muka ko.
"Sky, just please dont mess your life because of me.." huminga ako ng malalim bago umupo sa kama. ".. im okay, i will be okay. " Ngumiti ako.
I just need some time..
To think.
..........
Time fast.....
Isang buwan na lang matatapos na ang school year.
Tatlong buwan ko na din tinatago yung paglaki ng tyan ko.
Halos kalahating oras na akong nakatayo sa harap ng salamin, tinitingnan ko bawat anggulo ng suot kong damit.. nakaplain black dress ako pero maluwag sya sa bandang tiyan.. Tumayo ako ng tuwid bago tiningnan ulit, hindi naman na siguro ito halata.
Kinuha ko yung bag ko bago dahan dahang bumaba..
Nakita ko si yaya mel na naghahanda ng almusal sa mesa.
Didiretso na sana akong lumabas pero bigla akong tinawag ni yaya mel..
"Maam rain, magalmusal muna po kayo.." ngumiti sya bago hinila yung upuan para umupo ako..
Ngumiti ako "no yaya, will go straight ahead sa coffee shop.."
Sabi ko bago tumalikod.
"M---masama po yung kape para sa inyo maam."
Nagulat ako sa sinabi ni yaya mel.. napatingin ako sa kanya.. wala akong sinabihan na kahit na sino sa pagbubuntis ko.. nakatingin pa din ako kay yaya.. hinhintay ko kung ano mang sunod nyang sasabihin.
"Sige na ho maam, maganda sa inyo ang mainit na gatas sa umaga." Ngumiti sya bago kumuha ng tasa at sinalinan ng gatas.
Sumunod na din ako sa kanya, ramdam ko na din kasi ang gutom. Etong mga nakaraang araw lagi akong bumibili ng pagkain sa malapit na coffee shop sa UNI. Sobrang bilis ko na din magutom.
"Maam rain, pinapasabi po pala nila Maam at sir na may dinner daw po kayo mamaya susunduin ka daw nila dito sa bahay."
Tumango tango ako.. Medyo busy sila Mom and dad ngayon sa trabaho, dont get me wrong ha. Its okay, alam ko naman na whenever they have time bumabawi sila..
"Good Morning!" Napatingin ako sa lakaking pumasok sa bahay..
Ngiting ngiti syang sumalubong sa akin.
"Goodmorning.." halos pabulong ng sabi ko..
Hindi ko maiwasang mamangha sa tuwing nakikita ko si river.. unti unti na din akong nasasanay sa presensya nya.. River knows what happened. And he still stayed. Mas parang naging pursigido pa nga sya sa panliligaw.. mula pagpasok at paguwi hinahatid niya ako..
"Tara na--" tumayo ako para abutin yung bag ko na nasa kabilang upuan.. pero inabot niya na yun.
"Ako na.. relax yourself" kumindat sya bago bumaling kay yaya mel.. "yaya mel, we'll go ahead, nextime ill be early para matikman ko ang hininda mong breakfast.." ngiting sabi ni river..
"Sige ho sir.." nakita kong hagikgik din ni yaya..
________________
Mabilis natapos ang araw ngayon, pero ramdam na ramdam ko na ang pagbigat ng katawan ko.
Nasa may loob na ako ng sasakyan ni river..
Hinhintay sya, may bibilin lang daw siya saglit.
Hindi sa kalayuan, may nakita akong pamilyar na lalake na lumabas sa coffee shop..
Cloud..
Heto na nanamn sya, heto nanaman itong tanga kong puso..
Parang may pumipilit sakin kausapin siya..
Bumaba ako ng kotse.. halos lakad takbo ako mahabol lang siya.
"Cloud!" Sigaw ko..
Napahinto ako.
Ng makita kong lumingon siya..
Tiningnan ko yung mata niyang hindi ko mabasa..
Hindi ko macontrol yung emosyon na bumabalot sa sarili ko.
Halos gusto kong isigaw sa kanya na buntis ako.. na siya yung ama.
Pero bigla lang tumulo yung luha ko..
Nakatingin pa din siya sa akin..
Tumakbo ako papunta sa kanya bago niyakap siya ng mahigpit..
"..rain" rinig kong sabi niya..
"Cloud.. may kailangan kang mala--"
"Rainnn!" Narinig kong sabi nung babae sa likod ko.. "its nice to see you againn!!" Napakunot siya "are youuu cryinggg? What happened... Tell me.."
Sunod sunod na sabi ni wind..
"Hi..hindi" inayos ko yung buhok ko..
"si--sige mauna na ko.."
Walang hinto yung luha ko sa pagbagsak..
Hinihiling ko na sana habulin nya ako..
Pero hindi..
Napahinto ako ng makitang nakatayo si river sa harap ng kotse..
Nakatitig lang siya sakin.
Na parang naawa.
Lumapit siya sakin bago niyakap ako..
"You dont need to beg him.." hinarap niya yung muka ko sa kanya bago pinunasan yung luha ko.. "...im here.."
"Hindi ka magiging magisa.. tutulungan kita.."
Hagulgol pa din yung iyak ko na halos hindi mahinto..
Sobrang sakit ng nararamdamn ko ngayon.
Parang wala ng mas sasakit na lalaki yung anak mo ng walang tatay..
...........
*FIVE YEARS LATER*
"Tapos ayang sofa, paki lagay nalang sa sala.."
Nakapamewang ako habang tinuturuan yung lalake kung saan ilalagay yung mga gamit na nilalabas nila sa truck.
Kakabalik lang namin sa Pilipinas from America.
Its been 5 years..
Huminga ako ng malalim habang tinitingnan yung malaking Mansyon sa harap ko..
It took me 2 years para mapagawa tong bahay na to sa sarili kong pera.
When i thought na itatakwil ako ng magulang ko dahil sa nabuntis ako ng maaga, mali pala. They helped me big time.. No one knows about what happened pa din..
Pinayuhan nila ako na ituloy ang pagbubuntis ko sa america.
Duon ko na din tinuloy ang pagaaral ko..
Nagtrabaho ako sa Modelling company namin based sa New york, for 2 years.
Hanggang sa napagisipan ko na magtayo ng sarili kong negosyo sa Pilipinas.
Nagsimula ako sa isang loteng nabili ko sa Cavite, nagpatuyo ako ng isang resort named The Falling Rain
I never expected it to boom so fast..
Hanggang sa nagkaroon ako ng 5 successful branch dito sa Pilipinas.
Halos hindi ako makapaniwalang naipundar ko to lahat sa sarili ko. Lahat ng meron ako ngayon dahil sa paghihirap ko.. at dahil kay Akira.
Huminga ako ng malalim bago pumasok sa loob ng bahay..
Kinuha ko yung pulang envelope na nasa table at umupo sa sofa..
Napangiti ako ng makita yung nilalaman nito..
You are invited to the Wedding:
Joining the lives of
Thunder & Sky
Sa mahigit isang daan nilang break ups, sa kasalan pa din talaga ang punta. Napailing nalang ako habang natatawa.
Nakita kong may pupungas pungas na batang nakatayo sa harap ko..
"m--mom." She said softly.
My baby... Akira, My life.
Tumayo ako bago binuhat siya..
-End of Chapter 17-