December 25, 2011 Hindi pa rin makapaniwala si Odessa. Katabi niya ngayon ang lalaking halos buong araw niyang hinanap. Lumabas siya ng bahay at sinalubong si Lucas. Hindi siya makapaniwala na umuwi na nga ito. Lahat ng kaba niya at takot ay naalis sa segundong nakita na niya ang kanina pa na hinahanap. Pero kahit nawala na ang mga emosyong iyon ay may isang bagay naman ang biglang umusbong sa kanyang dibdib. “Odessa… maligayang pasko. Pasensya at—” Plak! Hindi mapigilang mahampas ni Odessa si Lucas sa braso nito. Dala iyon ng inis na naramdaman niya. Inis dahil sa pinag-alala siya nito. Inis dahil sa matinding kabang naranasan niya buong araw. Inis dahil sa takot niyang umuwi na ito sa taong 1901 nang hindi man lang nagpapaalam. At lalong lalo na ang relief na pakiramdam dahil nasa
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


