CHAPTER 24 LUNA "Kumain ka na, Sky. Para lumakas ka na." Inilagay ko ang tray ng pagkain sa lamesa na nasa gilid ng kama ni Sky. Nagpasalamat ito bago kunin ang tray. "Natawagan mo na ba si Dylan?" "Hindi niya sinasagot ang telepono sa bahay at patay rin ang cellphone niya." Malungkot kong sabi. Umupo ako sa upuan katabi rin ng kama nito. Pinagmasdan ko siya habang iainusubo ang inihanda kong lunch sa kanya. Nagkalinawan na kami ni Sky. Hinding-hindi ko na kaya pang-iwan si Dylan. Mahal na mahal ko siya. Dalawang linggo na ako dito sa California. Nagkaroon ng bagyo dito sa Caifornia kaya nakansea ang halos lahat ng flights. Ngayon palang humuhupa ang delubyo kaya ngayon ko lang din naasikaso ang pagpapa-book ko ng flight pabalik sa Pinas. Hindi ko na kayang magtagal pa dito na

