CHAPTER 25 LUNA "Huh? Buntis ka na?! Omygosh! Tita na ako." Masayang sabi ni Camille. Ngumiti ako ng mahigpit at hinigop ang kape na binili namin sa Starbucks. "Buti ka pa masaya na buntis na ako. Samantalang 'yung asawa ko.." "Ano na namang katarantaduhan ang ginawa ni Dylan?" "Ang akala kasi niya si Skyler ang ama ng anak ko." Tinakpan ko ng kamay ang aking bibig para makulong ang hikbi. Binigyan niya ako ng tissue at ipinunas ko iyon sa aking pisngi at mata. "Hindi siya naniniwala na walang nangyari sa amin ni Skyler. Paano naisip ng asawa ko na pinagtaksilan ko siya?" Hinawakan ni Camille ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. "Let him cool down. Matatauhan din iyon. Makitid na ang pag-iisip ni Dylan simula nung nasaktan ko siya. Ang gusto niya ay kontrolado na niya ang

