CHAPTER 33: THE 'G' WORD *********** LUNA Lumipas ang isang araw na hindi kami nagkakausap ni Dylan. Hindi ko siya kinakamusta kahit na sobra na ang pag-aalala ko dahil aa ginawa sa kanya nila Trey. Pumasok na rin ako sa office dahil sobrang dami ng nakatambak na gawain at mga report na kailangan kong i-view. Naalis ang titig ko sa mga papel nang pumasok ang aking sekretarya. "Ma'am, nandito po ang asawa niyo." Magalng na saad nito. Malamang ay susunduin niya ako dahil ngayon ang petsa ng check-up ko sa oby. Tumikhim ako at pinalamig ang aking ekspresyon. Nakunwari akong tinitingnan ang sales report. "Papasukin mo." Tumango ang babae at lumabas na. Wala pang isang minuto ay agad nang bumukas ang pinto. Naamoy ko kaagad ang pamilyar na pabango nito. "Hi." "What are you doing here?

