CHAPTER 32: I LOVE YOU *********** LUNA Binuksan ko ang pinto ng home office ni Papa. Nakaupo ito sa likod ng kanyang mahogany desk at may binabasang libro. "Papa—" "I said, no, already." Malamig na sabi nito habanh inililipat ang papel sa libro. "Bahala na sila Kristian at Trey sa kaniya. Relax, Sweetheart." "Bakit ka pa kasi nagpatong ng presyo sa ulo niya?" Sabi ko bago umupo sa upuan na nasa haral ng mahogany desk. Ngumiti ito ng malawak. "Para exciting." Pagkatapos niyang sabihin iyon ay tumingin siya sa akin. "Uminom ka na ba ng vitamins mo?" Tumango ako at hinaplos ang muling umbok sa aking tiyan. Nagbuntong hininga ako bago magsalita. "I still love him, Papa. Ang sabi niya, gagawin niya ang lahat para bumalik ako sa kanya." "Pero, sinaktan ka niya. Gusto mo pa rin siyang

