CHAPTER 38: USAPANG.. ********** LUNA Napaungil ako nang makarinig ng sunod-sunod na katok. Dahan-dahan kong iniangat ang braso ni Dylan na nasa aking bewang at tumayo. Hinaplos ko ang aking tiyan habang naglalakad patungo sa pintuan. "Camille?" Ngumiti ito sa akin. "Bumangon na kayo at nakahanda na ang hapunan." "H-Hapunan na?" "Oo. Six o'clock na kaya. Saka dito kakain sila Trey." Tumaas-baba ang kanyang kilay bago tumalikod at umalis. Humikab ako at tumungo sa mahimbing na asawa ko. Nakabalot pa rin ang sarili nito sa kumot. Hinipo ko ang bimpo sa loob ng kanyang damit at inalis ko ito nang mapag-alamang basa iyon ng pawis. "Dylan." Yugyog ko sa kanyang balikat. "Hm?" "Gising na, kakain na tayo." Hindi na mainit ang kanyang noo. "Bumaba na 'yung lagnat mo. Malapit ka ng gum

