CHAPTER 39: UNTITLED ************ LUNA "Dylan, nakikiliti ako." Humagikgik ako habang inilalayo ang nukha ni Dylan sa aking leeg. "Ngayon na lang ulit ako gumising na kumpleto ako, Luna." Bulong niya malapit sa aking tenga. Naramdaman ko ang mainit nitong dibdib sa aking likod. Hinaplos ng kanyang palad ang ngayong pang-siyam na buwan kong tiyan. Tumihaya ako ng higa at binigyan ito ng matamis na ngiti. Hinaplos ko ang kanyang mukha. "Hindi na ulit ako aalis, D." "I won't let you go anywhere, Baby." "Namiss mo ko?" "Miss na miss kita." Pinagtama ko ang aming ilong. "Kain na tayo. Gutom na kami." "Tara na. Nakapagluto na ako." Bumangon kami at bumaba na sa kusina. Inasikaso niya ako at nilalagyan ng pagkain ang aking plato. Nakakatuwang panuorin ang mga pagbabago kay Dylan. "Wa

