Khair's P.O.V "Excuse me," ani ko habang humihingi ng space para makadaan ako. Agad akong dumeritso sa labas ng pinto upang hanapin si Carys. Sigurado ako si Carys ang nakita ko kanina. Mabilis na kinuha ko ang phone niya at tinawagan ang number niya. "Sorry the number you h----" Pinutol at tinawagan ko siya ulit pero ganoon pa rin. Biglang sumagi sa isip ko na mayr'on akong tracker sa kaniya. "What's wrong, Khair?" Win asked. Agad akong pumunta sa tracking map ko pero bigla akong natigilan ng mayr'on akong napansin sa kamay ko. "Blood?" kunot-noo kong bulong. Inalala ko ang nangyari kanina. Ang biglang pagsulpot ni Carys sa gitna ng mga tao. Alam kong hindi siya pumunta rito para i-congrats ako. "Master, I found a dead body. The intention of that person is to kill you.

