Khair's P.O.V Pagbungad ko sa living room. Unang nadapuan nang tingin ko ay si Carys. Mahimbing siyang natutulog sa couch. Marahan akong humakbang palapit sa kaniya. Dumako ang tingin ko sa flatscreen tv na bukas. Naiiling na kinuha ko ang remote sa ibabaw ng mesa saka pinatay ito. Ang hilig niya talagang bumukas ng flatscreen tv, hindi naman siya nanonood. Nakikinig lang naman siya. Humakbang pa ako pero nahinto ako nang marinig ko ang pagtunog ng suot niyang watch. Wala akong nagawa kun'di ang humakbang palayo. Hanggang ngayon ay hindi niya pa tinatanggal ang rule na 'yan. Marahan akong umupo ako sa single couch. Ang tingin ko ay nasa kaniya. Ipinatong ko ang aking siko sa aking tuhod. "Everything is a mess, Carys." mahina kong wika kahit alam kung hindi niya ako naririnig. "Hi

