May hawak na driver si Draven habang nakaupo ako sa lilim, pinapanood syang makipag usap sa mga kaibigan nya habang nasa Hampston kami, ang dami nya pala kaibigan dito at yung iba ay kabatch nya. "Bihira ka na umuwi, tapos may asawa ka na at anak, iba talaga kapag businessman." Hinampas ni Draven ang golf ball gamit ang driver at ang layo ng narating non. "Ngayon lang kasi ako nagkaroon ng free time, medyo stressed sa trabaho that is why I am trying to calm myself even for a while," my husband said at tumingin sa akin, ngumiti ako at pinakita na mag restroom lang ako. Tumayo ako at dala ang bag ko, may caddy na lumapit sa akin, sumabay sa akin na maglakad. "Ma'am, saan po kayo papunta. Sasamahan ko na po kayo at baka maligaw po kayo," she said at inalalayan ako sa paangat. "Thanks, I j

