"Wow, this is my first time here!" Nilibot ko ang mata ko at tuwang tuwa na lumakad sa kalsada ng Paris. Gabi na ng magising kami, matapos ng flight namin ay natulog kami agad, dahil sa pagod at jetlag. One week kami sa Europe at wala kaming gagawin kung hindi ang mag libot at gawin ang nasa bucket list ni Draven. "Wow, ang ganda rito, honey look!" Tinuro ko ang mga halaman at ang view sa taas ay kitang kita ang city lights. Nakangiti si Draven at pumunta sa likod ko, hawak nya ang kape na order namin kanina, malamig ngayon kaya habang nag iikot kami ay may dala kaming kape. "Sarado na kasi ang mga shops, but maybe tomorrow, makakag libot tayo sa mga designer shops." Hawak kaming nag lalakad sa side walk at buhay na buhay ang syudad kahit na dis oras na ng gabi. Mga shops lang ang sara

