Jobari Calum POV:
" Thank you for bringing me here. Ayaw ko na kasi sa bahay sobrang nakakastress doon dahil andun ang maraming tao." Halata namang nastress na siya. Kapag okay na siya tsaka nalang kami mag-usap. Kailangan ko ng yayain siyang magpakasal dahil malapit naman na ang kanyang pagtatapos.'
" Basta para sayo gagawin ko ang lahat. Huwag ka lang mastress. " Sabi ko sa kanya at kinumutan ko at nagpaalam ako na lalabas muna para makabili ng pagkain. Tumango siya at lumabas na ako habang ang mga kaibigan niya ay dali daling lumapit sa akin at inaasar pa ako.
" Enough, guys. Bantayan niyo siya baka pupuntahan siya dito ng lolo at lola niya." Napatigil naman sila sa sinabi ko. Mabilis akong pumanhik palabas para hindi na sila magtanong. Paglabas ko ng elevator may nakabangga akong babae.
" Jobari?" Kilala niya ako? Sino naman ang babaeng ito at bakit niya ako kilala?
" Who the hell are you? You bump me. Do you know my name? Do I know you?" Ngumiti siya sa akin at hinawakan pa ako.
" Never touch me because I don't know you. " Tinanggal ko ang kamay niya at masama ang tinigin ko na ipinukol ko sa kanya.
" Kahit kailan talaga hindi ka pa din nagbabago. It's me, Mila." Ang nerd na babae na schoolmate ko dati.
" Mila? yung kaibigan ni Amilie Ellery before?" Tumango siya sa akin at ngumiti ulit siya sa akin. Pagkatapos ay nagpaalam siya na aalis na.
' Nagbago na rin siya nung nabasted ko siya dahil nga ayoko sa mga nerd na babae. Nung nanligaw kasi siya sa akin hindi ko na pinapansin dahil hindi ako interesado sa kanya. Simula noon hindi ko na siya nakita na pumasok sa eskwelahan at nabalitaan ko kay Amilie Ellery na nagtransfer na pala siya ng ibang school.'
" Ang lalim naman yata ng iniisip mo?" Nagulat ako ng may nagsalita sa likuran ko.
" Iniwan mo si Layana na mag -isa?" Tiningnan ko siya. Johanna is very sweet to Layana minsan napagkamalan ko na ito na may gusto sa girlfriend ko.
" I just want to get all the luggage, and after that, I will ask her if she wants to eat para makakain na rin tayo bago magpahinga." Sagot ko sa kanya. Worried din pala siya talaga kay Layana.
" What's the reason why Layana ended to the hospital?" Pati ako hindi ko alam dahil hindi pa naman talaga ni Layana sinasabi ang totoong dahilan kung bakit siya naospital. Kung ano man ang nangyari antayin ko nalang na magsabi siya sa akin.
" I don't want to ask her Johanna. Pabayaan muna natin siyang makakuha ng tamang lakas bago natin siya kastiguhin kung bakit nahimatay siya." Bumalik na siya sa loob.
' Kinaumagahan nakatanggap ako ng tawag mula sa pinas. Nakauwi na rin pala ang mga magulang ko galing sa bakasyon. Kinuwento ko din kay Amilie ang ang nangyaring banggaan namin ng kaibigan niya. Masaya siya na nagkita kami ulit ng kaibigan niya. Balak pa nga niya itong kausapin pero sabi ko kailangan ko ng bantayan si Layana. Kaya binigay ko nalang ang number nito at mga account na meron siya.'
" Okay ka lang ba? Bakit parang ang lalim naman yata ng iniisip mo? Gusto mo na bang umuwi ng pinas? Alam mo? you don't need to watch me twenty-four seven dahil hindi naman ako baldado. You should focus your work dahil CEO ka ng sarili mong kompanya. Okay lang ako dito at no need to bantay me here." Sermon ba niya ito o isang sabi lang na dapat pabayaan ko siya? Hindi naman pwede ng ganun dahil kung tutuusin ako ang may kasalanan kung bakit nawalay siya sa kanyang mga magulang.
" Yung kaibigan kasi ni Amilie gusto niyang makausap kaya binigay ko nalang lahat ng mga detalye niya para hindi na siya mahirapan na maghanap." Nakasimangot si Layana sa sinabi ko. Parang nagseselos lang yata siya.
" Huwag ka ng magselos dahil ikaw lang naman ang babaeng gusto ko. I am your man and you are my girl." Niyakap ko siya at hinalikan sa noo.
' Bumalik na kami sa loob ng hotel at pinagpahinga ko na siya. Ang mga kaibigan naman niya ay kumain sa baba. Nag enjoy daw sila sa libre ko sa kanila.
" How's my company? " Tanong ko kay Jonathan na tumawag sa akin.
" Don't worry about your company, bro. Mataas ang sales ngayon kaya enjoy your day with your girlfriend Layana." Nang-aasar lang ang isang 'to. Tawa siya ng tawa at pinatay ko na ang tawag.
Palibhasa kasi patay na patay sa kanya si Yara kaya ganyan siya mang-asar sa akin.
" Bakit parang nakasimangot ka dyan? " Holy mother fucker, s**t, hindi ko man lang siya napansin nakalapit na pala siya sa akin. Nagulat ako sa pagsalita niya sa malapit.
" Do you want me to die, baby? Nakakagulat naman ang paglapit mo sa akin. Why do you always like that?" Pagtatampo ko kunyari sa kanya. Pinalo niya ako sa balikat at siya naman ang nakasimangot sa akin.
" May patampo tampo kana ngayon sa akin? Hala bumalik ka na ng Pinas at iwan mo ako dito. I never told you to come to take care of me. Bumalik ka na ng Pinas bukas na bukas din." Tumalikod siya at iniwan ako. Pambihira hindi man lang siya mabiro.
" Baby, I was just joking. Never give it meaning. Alam mo naman na mahilig ako magbiro." Palusot ko pa. Sana maniwala siya.
" Palusot pa more. Alam ko na hindi ka nagbibiro at huwag mo akong paikutin dahil kahit hindi kita nakasama ng matagal o nakilala ng matagal I already know you. Remember that I am your girlfriend Jobari. By the way, It's your birthday next month. Wala ka bang balak maghanda?" Muntik ko ng nakalimutan ang birthday ko.
" Jobari, I want to be part of your birthday celebration. Gusto ko maghanda sa birthday mo. Imbitahin natin lahat ng partnerships mo sa company." Hindi pa nga siya nakarecover party na ang iniisip niya.