Layana Annika POV:
' Kakababa ko lang ng tawag nila sa pinas nang biglang pumasok silang lahat sa kwarto ko.'
" Iha, how are you feeling, huh? " Taong ni mommy sa akin.
" Kumusta ka na sis? " Tumingin ako sa kanilang lahat. Si mommy ay nakangiti na sa akin.
" Princess, how are you? I'm so sorry for what happened. This is my fault. Can you forgive me, princess? " Lumapit sila sa akin isa isa at umupo si mommy sa tabi ko habang si daddy naman ay nakatayo sa tabi ni mommy.
" I want to go home after my graduation. I don't want to stay in this kind of country. The Philippines is my home. Gusto kong isama si mommy sa pagbalik ko ng Pilipinas." Tingin ko sa kanila ay lungkot ang naramdaman nila ngayon.
" Seems like you don't want us to be close to you. Bakit ayaw mong tumira dito sa England? Mas mabuti dito at malaki ang kita sa pagnenegosyo lalo na at swak ito sa kursong kinuha mo. " Parang maamong tupa ang lolo at lola ko sa pagsasabi nila ng ganoo sa akin. Tumingin ako sa kanila.
" Ayaw kong makaranas ng hindi masayang pamilya lalo na at hindi po ninyo gusto si mommy." Nagulat naman sila sa sagot ko. Hindi nila siguro inakala na sasagutin ko ng ganun ang lola.
" Anak hindi naman sa ganun na hindi nila gusto ang mommy mo. Huwag ka na man ganyan sa kanila." Ipagtatanggol talaga ni daddy sila lolo at lola kaya ngayon pa lang. Kailangan ko ng ilayo si mommy sa kanila.
" You cannot defend mommy. So, I am going to bring mommy where I go. Total naman po hindi siya mahalaga sa inyo." Masama ang tingin ni lola sa akin.
" I want to go out in this hospital too. Ayaw ko na po dito mommy." Humawak ako sa kamay niya at tiningnan niya si daddy. Ako naman ay tumayo na at inalalayan ako ni Jobari.
" Is it okay with you if you want to stay at the hotel? Will with the permission of your parents, of course." Umiling si daddy.
" Hindi siya pwede sa hotel baka mamaya niyan kung ano pa ang gawin niyo lalo na at dalawa lang kayong dalawa." Sabat naman ni lolo. Sinamaan ko sila ng tingin.
" Mawalang galang na po lolo. Ako ang magdedecide kung saan ako komportable." Humiga na ako at pinikit ko ang aking mga mata. Ayaw ko ng makipagtalo pa sa kanila.
' Nagising ako na si ate Edlyn lang ang nasa tabi ko. Napakakikay niya sa mga suot niyang mga damit. Bakit kaya hinahayaan siya nila daddy na magsuot ng ganyan? Tinawag ko siya at tumayo siya para puntahan ako.'
" How are you sister? Okay ka na ba? Umalis sila mommy at daddy pati sila lolo at lola kasama si ang boyfriend mo na si Jobari. Ang yaman pala nung boyfrienf mo ano?" Basta mayaman sobra ang papuri nila.
" Saan daw sila pupunta, ate?" Tanong ko sa kanya. Umupo siya at umiling sa akin bilang sagot niya sa tanong ko. Babangon na sana ako ng may kumatok. Binuksan ito ni ate at sobrang gulat ko sa aking nakita. Napanganga ako sa aking nakita.
" Kumusta ka na dito? Pasensya ka na at ngayon lang kami nakadalaw." Paano nila nalaman na nandito ako sa hospital? Hindi ko na nga sila nakakausap kasi busy din ako sa mga ginagawa ko sa school dahil malapit na aming graduation.
" Paano niyo nalaman na nandito ako sa hospital samantalang hindi ko na nga kayo nakakausap dahil busy na rin ako sa pag-aaral ko?" Tumawa ang mga kaibigan at parang mga bulate kung kiligin. Ano kaya ang nangyayari at parang kilig na kilig sila.
" Nilibre kami ng boyfriend mo. Siya ang nagsabi na nandito ka sa ospital at dahil worried kaming lahat sayo ayun nilibre niya kami ng ticket. Mabuti nalang at hindi kami hinarang sa custom ng sabihin namin ang pangalan ni Jobari." Sabi ni Claire sa akin. Napangiti ako sa mga kalokohan nilang dala para sa akin.
" Alam mo pinasundo pa niya kami at diniretso sa hotel bago niya kami pinapunta dito." Tuwang sabi ni Johanna sa akin. Si Samantha naman ay todo ang agos ng luha ng makita niya ako. Si Alexandra naman ay kinausap ang ate Edlyn ko.
" Mabuti nalang at nadala kaagad ang kaibigan namin dito. Bakit ba siya na over fatigue?" Parang imbestigador din ito kung magtatanong. Palibhasa kasi nasanay siya sa trabaho ng kanyang kuya. Oo, may kuya siya na isang pulis officer.
" I don't know, maybe because she's not eating because she's very busy." Parang hindi kumbinsido ang kaibigan ko sa sagot ni ate Edlyn.
" Wala ba kayong bigas at hindi siya nakakain ng maayos? Saan ba kayo at hindi niyo siya mapakain at masabihan ng kumain ngayong alam niyo naman na busy siya sa kanyang pag-aaral? " Naiirita na ang ate at tinawag ko na ang kaibigan ko para umupo na sa couch.
" Leave my sister alone. Wala naman siyang kinalaman sa nangyari sa akin." Ayaw ko na munang ma stress ngayon dahil gusto ko ng lumabas ng madalian dito. Ayaw ko ng mabahong gamot.
' Pagkaraan ng dalawang araw nakalabas na ako sa hospital at marami ang mga vitamins na nireseta sa akin. Si Jobari naman ay todo rescue sa mga gamot ko. Pwede namang sila daddy ang bumili ng mga vitamins at gamot ko pero siya na ang nagpresenta na siya na daw ang bibili. Kaya wala nang nagawa sila mommy.'
" Mabuti nalang at nakalabas ka na sa hospital." Sabi ni Johanna.
" Mabuti nalang at hindi ka pumayag na sa bahay niyo magpahinga. Para mabilis ang recovery mo." Nauna na siyang pumasok sa hotel na binuk ni Jobari. Si Jobari ay bumaba sa lobby para kukunin ang mga gamit namin. Napakaswerte ko talaga sa lalaking ito.
" Okay na ba sayo ang room na 'to?" Tanong niya sa akin. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ako ang mga kaibigan ko namaan ay halos makaihi na sa sobrang kilig nila. Hinalikan kasi ako ni Jobari ng nilagay niya ako sa kama. Sumigaw sila sa kilig at tumawa nalang kami ni Jobari.