Prologo
"Pack your things." utos ni Kuya nang madatnan niya akong busy sa paglalaro ng online game. Walang gana kong tinanggal ang headset ko bago humarap sa kanya.
"Hindi nga ako sasama 'di ba?" mataray kong kontra. "Ano namang gagawin ko sa probinsya? I don't like the life there," dagdag ko bago binalik ang atensyon sa monitor.
Last year na nagbakasyon kami doon was a terrible experience so better to stay here in the city the whole summer.
"Camille, don't act that way. We need to attend Mia's wedding 'cause we're supposed to be in the ceremony," mariing bigkas niya na nakapag-pataas sa presyon ng dugo ko.
I don't like hearing Mia's existence.
"Kung gusto mong makita siya sa kasal niya, go! Gusto mo namang nasasaktan ka 'di ba?" sarkastiko kong saad which was below the belt. I felt guilty right after saying those words pero hindi ko na mababawi.
Tumalikod na lang ako at sinuot muli ang headset para hindi na ako pilitin pa ni Kuya na sumama sa kanya sa Liciada, ang lugar na pinipilit kong kalimutan.
Binansagang pinakamasaya at pinaka-intimate na lugar pero para sa'kin ay isa iyong lugar na dadalhin ka sa walang katapusang sakit. At sino bang tanga ang magpapakatanga ulit?