"Miss, here." Inabot niya sa'kin ang banig at dalawang yellow scarfs.
Mapupungay ang kanyang mga mata, matangos ang ilong, hindi gano'n kakinis ang mukha ngunit isa siyang may dugong banyaga at medyo kayumanggi. Manipis ang mga mapupulang labi niya at ang ngiti niya habang inaabot sa'kin ang mga gamit ko ay nakakawala ng sakit sa sugat ko sa tuhod.
"Cams, ano pang tinitingnan mo? Malapit nang umulan."
I realized that he was already walking away from me when I looked on my right side.
"Yes, Ate! Sorry," sigaw ko at muling sinulyapan ang lalaki. He's so sexy and has a musculine body.
Nang makarating kami sa taas, sa gilid ng highway kung saan nakaparada ang sasakyan ni Kuya, sinalubong niya kami at tinulungan sa mga bitbit ni Ate.
"Ang tagal niyo, let's double time. Dapat maaga-aga tayong umuwi," Kuya while putting the box inside the compartment.
Nang nasa daan na kami pauwi, nilalambing ni Ate Mia si Kuya Vin. Habang ako, ito na nakaupo sa backseat habang pinapanood ang love birds.
When we reached our home,saktong umulan ng malakas.
"Good that you're here before the rain," pagsalubong ni Mommy sa'min.
"Hi, Tita! I told you to come with us, 'di mo tuloy na-enjoy ang Liciada Beach," Ate Mia replied to my Mom.
They are close to each other because they share the same vibe and given that Ate Mia and Kuya is in a relationship for six years.
"I'd rather let you enjoy the beach with Vin alone," pabironh wika ni Mommy at tumingin siya sa'kin nago ibalik ang tingin kay Ate. "I'm excited to have a grandchild," dagdag pa ni Mommy.
I was kinda affected kasi parang sinasabi niya na dapat hindi na lang ako sumama. I insisted kasi this morning so Mommy let me. Besides, ngayon lang naman ako ulit nakapagbakasyon dito.
"How to enjoy it if your girlfriend is wearing almost nothing?" Singit ni Kuya sa usapan.
Iyon lang ang huli kong narinig bago ako umakyat patungo sa aking kwarto.
On the next day, I went to Arlene's house. She's my childhood best friend and everytime na magbabakasyon ako rito, siya ang madalas kong pinupuntahan.
Sa gitna ng open space area ang bahay nila ngunit napapalibutan naman ng mga tanim na sitaw ang lugar. It's just that the weather is too hot kahit nakapayong ako kaya ramdam ko ang paghapdi ng leeg ko.
Since it's a one-way path, nakayuko lang akong naglalakad while following the pieces of rock in my way. Then, hindi ko namalayang may kasalubong na ako at nabangga namin ang isa't isa.
Napaupo ako sa gilid ng pilapil samantalang ang mga bagong-aning sitaw ay nahulog mula sa malaking bilao.
"Oh no, I'm sorry!" Mabilis kong sabi nang makita siyang binabalik ang mga naaning sitaw sa bilao.
Tinitigan niya lang ako bago niya binalik ang atensyon sa ginagawa. Humingi ulit ako ng tawad habang tinutulungan siyang iayos ang mga yun at ang isang kamay ko naman ay pinapayungan ang isa't isa.
He suddenly stopped when I did that and looked at me seriously.
"W-Why?" Nag-alangan pa ako sa pagbigkas but I pretend that I'm not affected.
His eyes are narrowed that made him had a high nose bridge. His skin is fair so I think he is not a farmer here but his attire looks like a farmer.
He didn't respond so I guess he's deaf.
"Siguro nga bingi ka," wika ko habang imilalagay ang huling tali ng sitaw sa pinakaibabaw.
Tumayo na rin ako nang agad siyang tumayo. "Sorry talaga," wika ko sabay hand gesture ng 'sorry'.
"Camille!"
Lumingon ako sa tumawag sa'kin and it's really her. Nag-wave ako ng kamay bago lumingon ulit sa lalaking nabangga ko ngunit mga ilang metro na ang layo niya sa'kin habang naglalakad palayo.
Bumuntong hininga ako bago harapin si Arlene at mabilis na lumapit sa kanya.
"Bakit 'di ka man lang nagsabi na pupunta ka. Edi nasundo sana kita sa daan," bungad niyang wika dala ang sariling payong.
"I just wanna surprise you," nakangiti kong tugon.
Sabay kaming naglakad patungo sa bahay nila. Nagmano ako sa Mama niya na bagong ligo at mukhang may pupuntahan.
"Nandito ka na pala, Miling. Sakto, nakapagluto na itong si Alling ng tanghalian," nakangiting wika ni Tita.
"Tita naman e," I hissed because of her calling me by my nickname. Ganun din ang naging reaction ni Arlene.
Lalong natawa si Tita Anne. "Kayo talaga, porke't mga dalaga na, ayaw nang tinatawag sa palayaw," kumento pa niya.
"Eh ikaw, Ma baka gusto mo rin matawag na Tita Aning?" Birong wika ni Arlene at sabay kaming natawa.
"Nako, pinagloloko niyo na ako ha. Oh siya't ako'y aalis na muna. Birthday ng anak ng pinsan ko at kailangan kong magluto ng handa. Dagdag kita rin 'yon," pagpapaalam ni Tita habang sinusukbit ang sling bag niya.
Nang makalayo na si Tita ay inaya na ako ni Arlene na pumasok sa loob ng bahay nila. Hindi man ganon kalaki at kaganda ang bahay nila, na kahit gawa sa pawid ang bubong at pinagtagpi-tagping kawayan ang dingding ay masaya pa rin silang pamilya.
"Since you are the eldest, parang ikaw na rin ang tumatayong nanay kina Aleah at Axton 'no?" panimula ko habang pinagmamasdan ang mahimbing na pagtulog ng kambal.
"Oo, at ito nga, kagagaling ko lang mag-ani ng sitaw kasi summer na, balak ng may ari sa tag-ulan na ulit patatamnan," tugon niya habang inaalis ang kanyang green longsleeve.
Tumango-tango naman ako and then I remember the deaf guy I enountered on the way. I was about to ask if he was with that guy, "Tara, kain tayo. For sure, marami kang baong kwento!"
Sumunod ako sa kanya patungong kusina nila. Maliit lamang ang space pero kasya na sila rito. Luto sa kahoy din ang mga pagkain nila.
"Pasensya na, ayan lang ang ulam natin ngayon. Nagtitipid kasi kami para sa pambili ng yero. Nababasa kasi kami kapag tag-ulan," kwento niya sabay turo niya sa taas. Sumisilip na ang tirik ng ataw.
"You may borrow from me. Just tell me the am-" Hindi niya ako pinatapos at nakangiting umiling.
"Marami nang naitulong ang pamilya mo at ikaw sa'min kaya kung may kailangan man kami, gagawan namin ng paraan hanggang kaya namin. Salamat sa alok, Camille."
"No problem basta magsabi ka lang sa'kin," tugon ko.
She smiled. Inalok niya akong kumain na. Adobong sitaw ang ulam which is one of my favorite kaya ginanahan akong kumain sa kanila.
You know, happiness is not the things that are expensive. Happiness comes from a simple thing. Kaya siguro kahit mahirap lang sila Arlene, they keep going because the real happiness in life is what they have.
Didighay na sana ako nang may kumatok sa pintuan ng kanilang kusina.
"Alling, painom kami!"