bc

She's an English NaziNess

book_age18+
15
FOLLOW
1K
READ
HE
heir/heiress
lighthearted
enimies to lovers
assistant
like
intro-logo
Blurb

I am an English Nazi, of course fluentness ako mag speakness ng English. Oh, pake mo ba kung may 'ness' 'yong English ko? Sira ulo ka yata eh. Ang dapat sayo tusokin ng barbeque sticks sa noo. Che!

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Lo… bakit mo naman iniwan ang iyong napakagandang apo. Hindi kaba naawa sa akin, lo? Ang selfles mo talaga.” Selfles? Teka ano bang pinagsasabi ko? Ahh basta ‘yon na ‘yon. Selfles ba ‘yong mukhang isda. Joke lang. Syempre ‘yon bang iniisip lang ang sarili. Selfles naman ‘yon diba? Hindi ko talaga mapigilang mainis kay lolo Ingie. Sa dinami-rami ba namang oras na pwede siyang magpahinga na , bakit ngayon pa na may regla ako. Ayan tuloy hindi ako makapagpalit ng napkin dahil puno ang kubo ng mga taga baryo. Minus ka talaga sa langit, lo. Mas nauna kapa magpahinga kaysa sa apat mong buhok sa ulo ,eh. Kurutin kaya kita sa bitlog, eh ‘no. Jombagins talaga kita mga sampu. “Lo naman eh… bakit kasi ngayon pa. Ayan tuloy puno na ng dugo ang napkin ko. ‘Tamo lo kapag talaga bumigay itong napkin ko, isasabit ko talaga ito sa kabaong mo.” Bulyaw ko pa kay lolo dahil talaga namang napaka selfles niya. Hinayaan ba naman akong mangisay sa gilid at tiisin ang dugo sa sugat kong hindi nimimiklat. Infairness, virgin kaya ako kahit dinidugo ako. “Ahhhhhhh… lo-lolo… ahhhhhh… ang daya mo. Hindi talaga kita sasamahan sa libing mo kapag hindi ka tumayo, lolo. Minus ka talaga sa akin.” Sabi ko pa ng biglang tumagas ang regla ko. “Lo-lolo… humanda ka talaga sa akin!” Sigaw ko dahil sa sobrang taranta ko. Nararamdaman ko na kasing bibigay na ang butas kong panty dahil mabigat na ang napkin ko. Ilang araw ba namang hindi ko pinalitan, bakit ba, eh maraming tao eh. Tsaka mabuti narin ito, tipid sa pera. Tumakbo ako palabas ng kubo at napansin ko ang sigawan ng mga kabaryo. “May sugat kaba, Gwen?" " O-opo…” Sagot ko habang mabilis na lumabas ng kubo. “Su-sugat na hindi nimimiklat po." Dagdag ko pa at pinagtawan nila ako. Aba iba rin trip nila sa buhay, ah. Gusto yata nilang butasan ko pa lalo ang mga ilong nilang halos kasinglaki ng ilong ng kalabaw. Humanda talaga kayo sa akin. “Makatawa kayo parang wala kayong mga petchay ah. Bakit namimiklat ba ‘yang sa inyo, ha?” Minus talaga sila sa akin. Kapag ako yumaman, naku, who you talaga sila sa akin. Papapilahin ko sila sa harapan ng bahay at iisa-isahin ko mga kepyas nila. Ang hindi namimiklat, walang ayuda. Che! “Oh, Gwen. Ano na’ng gagawin mo ngayon? Mag-isa ka nalang sa buhay, naku , mahirap ‘yan." Pakikiramay ng plastik naming kapitana. Kung makatanong kala mo naman may ibibigay, ah. Bakit? Suplada talaga ako. Naiinis padin kasi ako kay lolo Ingie na may apat na buhok sa ulo. Iniwan ba naman akong mag-isa. Naku! selfles ka talaga, lo! “Hindi ko rin alam ang gagawin ko eh. Tsaka ko nalang siguro ‘yan pag-iisipan." Sagot ko naman. Hoy, infainess may good morals and manners din ako , ‘no. Kaya marunong akong sumagot sa mga matatanda, diba kapitana? Subukan mo’kong ipahiya ipagkakalat ko talagang sinilip mo ang sekretaryat mo habang naliligo sa banyo. Che! “Bayaan mo, Gwen. Nandito kami para sa’yo." Huwow naman talaga sa kaplastikan itong si madam kapitana eh ‘no? Sige na nga. Pwends muna tayo pero ngayon lang ha. “Bibigyan n’yo po ha ako ng pera, kapitana?" Tanong ko sa kaniya. “Oh s’ya, sige mauna na muna ako at may tatapusin pa sa baranggay." Oh , diba. ‘Kita mo? ‘Yan si kapitana. Budol sa kaplastikan. Mabuti na nga lang at hindi siya lumulutang tuwing may bagyo. Juice ko. “Kapitana?" Tawag ko sa kaniya habang naglalakad papalayo sa aming kubo. “Ano?" “Matamaan ka sana ng kidlat." “Anong sabi mo, Gwen?" “'Kako mag-ingat kayo sa daan." “Kala ko may narinig akong kidlat eh. Sige mauna na ako." Matalas din pala ang pandinig nitong kapitana namin ah. Sa bagay baka improsis plastic siya kaya maraming nagagawa. ‘Yon bang maraming nagagamitan. Ang swerte naman pala. Kaya siguro nananalo sa eleksyon kasi mataas ang level of cholesterol. Huy English ‘yon, ‘wag ka. Sabi pa nga ni lolo hindi mahalaga ang grahamms sa English, ang mahalaga may sense of tumor ka. Don't tell me you don't know what's tumor? ‘Yon bang nakakatawa. Che! “Lo-lolo… sureness ka naba talaga diyan? Hindi kaba natatakot na makain ng mga uod? Sabagay sa kulubot mo ba namang mukha, siguro mas matatakot pa ang mga lamang lupa sa iyo.” Sabi ko kay lolo habang dahan-dahan na siyang ibinaba sa kaniyang libingan. “Lo-lolo… ahhhhhhh… ahhhhhhh…” Kahit naiinis ako sa lolo ko, hindi ko parin naman kayang hindi umiyak sa harapan ng kabaong niya. Pero di bali na nga, ang mahalaga ay malaya na akong nakakapagpalit ng napkin sa kubo kasi wala na ang mga tao. “Selfles ka talaga , lo. Sana hindi kana magising pa." “Babaeng ‘to, natural hindi na s’ya magigising kasi patay na s’ya eh.” Aba, at sino naman ang nagbigay ng pahintulot sa demonyetang ito na supalpalin ang aking dramaticness moment, aber? Sorry ha pero you do note is the right to talk. Naku, don't me talaga sa Englishan, mapapalaban ka talaga sa akin. Ignore ko nalang itong demonyetang pilingera kala mo naman kinaganda niya ang pangingialam sa buhay ng may buhay. Bakit, hindi ka marunong mag emot ‘te? Che! Matapos mailibing ni lolo Ingie ay naiwan akong mag isa sa sementeryo. Sa totoo lang, nalulungkot ako dahil si lolo nalang ang nag-iisang pamilya ko. Maaga kasing namatay sila nanay at tatay dahil sa isang aksidente. Nabangga sila ng isang sasakyang nawalan ng preno halos dalawang dekada na ang makalipas. Kaya ayon, naiwan akong mag-isa sa pangangalaga ng aking lolo. Pero infairness may superpower kaya ang lolo ko. Biruin mo ‘yon sa lahat ng mga kaedad niya, lahat kalbo na. Siya nalang ang nag-iisang may apat na buhok sa ulo. Hanep ka talaga , lo. Bilib padin ako sayo, pero bakit naman kasi naisipan mong magpahinga sa kabuwanan ko. ‘Di bali na nga, nakatipid naman ako sa napkin eh. Bwesit naman kasi itong petchay na ito, over acting din paminsan-minsan. Tatahiin ko talaga ito sa susunod, ‘ta mo. Nang makauwi ako sa aming kubo ay tahimik ito. Nagkalat din sa paligid ang lantang mga bulaklak sa sahig, kaya naman ay nilinisan ko na. May napansin pa akong dugo malapit sa may pintuan, hanep naman ‘tong kubong ito. Parang may birthday din kasi pinapaduguan. Ganito naman tuwing may birthday, diba? Madalas nilalagyan ng krus sa noo gamit ang dugo ng manok. Habang abala sa paglilinis ay napansin ko ang litrato ni lolo Ingie na nakangiti na nakasabit sa dingding. Hindi lang pala buhok ang kulang sa kaniya, kundi pati narin ang kaniyang mga ngipin. Pasensya kana, lo, kasi hindi pa kita pwedeng samahan diyan sa langit eh. Kekeringking pa kasi ako sa isang mayamang may malaking kargada. Joke lang, lo. Baka seryusohin mo pa. Pero pwede rin naman. Che!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.4K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.8K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.4K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook