CHAPTER 14 RARA POV Hindi ko alam kung bakit parang may ibang epekto sa akin si Bakikong. Mula nang nangyari ang asaran namin sa kusina, parang hindi na siya maalis sa isip ko. Kahit abala ako sa pag-aayos ng mga order o sa pagluluto ng bagong batch ng pandesal, parang naririnig ko pa rin ang tawa niya, at nararamdaman ko ang init ng presensya niya sa tabi ko. Kaninang umaga, habang nagkakape ako bago magsimula ang shift, biglang dumaan si Bakikong sa harap ko. Suot niya ang simpleng polo shirt at jeans, pero para siyang modelo na galing sa isang photoshoot. Napansin ko ang maaliwalas niyang ngiti at ang natural na bango niya na tila bagong ligo. “Good morning, Rara,” sabi niya sabay ngiti. Napahinto ako sa pag-inom ng kape at parang napatitig sa kanya ng ilang segundo. “Ah, good morn

