Jezer Madaling araw na kaming nakauwi ni Kuya Kosovar sa bahay. Para hindi mag-alala si Mommy ay pumunta ako sa kwarto nila para mag-good night. Hindi naiwasan ang pagtanong nito tungkol sa party, sinabi ko na lang na nag-enjoy ako dahil totoo naman. Hindi naman siguro pagsisinungaling 'yon 'diba? Nasa kwarto ko kami si Kuya, nakaupo ako sa kama niya habang siya ay nakaupo sa sahig habang ginagamot ang sugat ko sa paa dahil sa pagbagsak ng bote rito. Hindi naman ito malala, simpleng sugat lang but he made a fuss about it. Habang ginagamot niya ang paa ko ay tinignan ko ang group page ng school sa f*******:. Hindi na ako nagulat nang nakapost na ahad ang mga nangyari kanina duon. Hindi lang ako ang pinag-uusapan, nadamay pati si Kuya. Ang sinasabi rito na naimpluwensyahan daw ako ni Ku

