Jezer Hinawakan ko ang ibaba kong labi habang inaalala ang mga nangyari, kung paano gumalaw ang labi niya sa labi ko at kung gaano ito kalambot. Mariin kong pinikit ang mga mata at marahas na pinilig ang ulo. Hindi ko dapat maramdaman iyon, ang mga ginawa namin ang isang malaking pagkakamali. Dapat ay kalimutan ko na ito, dapat lumayo muna ako sa kaniya. Maling-mali ang ginawa namin, hindi dapat namin ginawa iyon, hindi dapat... hindi dapat... Nararamdaman ko pa rin ang init ng labi niya sa labi ko, hindi ko ito magawang kalimutan. Kung paano humaplos ang kamay niya sa katawan ko at kung paano naglakbay ang dila niya sa loob ng bibig ko. Oh s**t! Mabuti na lang ay hindi natuloy kung hindi malaki na ang pagsisisihan ko. Hindi ko dapat maramdaman ang mga nararamdaman ko para sa kaniya,

