Nang maghapon na umuwe na rin kami, hindi na rin kami nakapasok sa work dahil sa mga sira ulong walang magawa sa buhay. Tulad ng ordinaring araw ang boring sa bahay na ito. Wala manlang akong makausap, tamang higa lang ako rito sa kuwarto ‘pag wala ng gawa. Bumangon ako at lumabas ng bahay, okey lang siguro sa labas ‘di ba? Wala naman na sigurong mga ulupong rito. Pumunta na lang ako sa garden, tapos nagmuni muni. Naisip ko lang na mas masaya pa rin pala ang buhay ko noon na kasama ko pa si Ante. Lahat kasi nagagawa ko, nakakapagpaalam sa kaniya lumabas. Papasok sa school, uuwe kahit anong oras tapos papagalitan ako hayts. Ibang iba na nga talaga buhay ko sa dati, pero pinakamasaya pa rin ‘yon. Hindi katulad rito, may mga tao pang gusto akong patayin parang nawalan ako ng kalayaan. Nakulo

