Pumasok ako sa work, iniwan ko ang pusa sa kuwarto hindi naman s‘ya makulit kaya safe ang mga gamit ko doon. Si boss naman may ka meeting ngayon ang secretary nito ang kasama, ako naman may iniwan lang sa akin na trabaho. Nang matapos ko ng maaga ang ginagawa ko, nagpaalam ako kay boss para lumabas na at bumili ng pagkain ng pusa ko. Tatlong linggo na rin naman na nanahimik ang buhay ko, himala at wala nang mga taong palaging naka abang sa akin. Himala mukhang natauhan na at tumigil na sila. Si boss naman hindi na rin ako hinigpitan, basta may kasama lang akong taga bantay. Kamalas malasan ko, si Sixpirt ang binigay sa aking kasama, minsan si Yukiro ang kasama ko ‘pag lumalabas dahil busy si Yukiro si Sixpirt na lang muna. “Let’s go!” aya nito sa akin kaya naman sabay na kaming bumaba. Na

