Nandito kami sa office ngayon, si boss naman tamang kape lang habang may binabasang papel ako ito nakatingin sa computer inaayos ang dapat ayusin. Medyo nahigpit na naman si boss dahil nalaman nito ang nangyari noong nakaraang araw. Kailangan ko na lang sumunod para wala ng mapahamak pa. Nagulat ako ng tumayo si boss at inayos ang table nito ako naman tamang tingin lang sa kaniya. “I have a meeting, aalis muna ako!” paalam nito. “Hindi ako kasama, boss?” tanong ko rito. “No, I'll contact you kung may kailangan ako.” Anito at lumabas na, ako naman napasandal na lang sa headboard ng upuan. Nakakapagod rin ang ginagawa ko, kahit upo at type lang ang ginagawa ko. Nireview ko na ang ginagawa ko, tapos tsaka ko sinave at pinrint mamaya ko ito ibibigay sa kaniya. Tinignan ko naman ang oras, 1

