Nang magising ako mga 4am na, kaya naman agad kong naisip si boss. Bumangon ako at nakita ko si boss na nakahiga sa maliit na sofa, hindi ito kasya dahil masyado itong matangkad. Lumapit ako rito at tinapik s‘ya, kawawa naman at nakakahiya dahil s‘ya ang boss inagawan ko pa ng puwesto. “Boss...” ani ko at marahang tinapik ito. Mukhang puyat na puyat ano‘ng oras na kaya ito natulog o baka kakatulog lang nito. Mabuti at naisipan pa n‘ya matulog. “Mmm...” tinapik ko ulit ito, para magising na. “Boss, uy doon ka na sa kama ako na d‘yan...” hindi naman ito sumagot, ang lawak naman kasi ng kama hindi pa s’ya doon matulog kahit lima yatang tao pwede do‘n at dito pa talaga sa sofa naisipang matulog. “Mmmm, ‘wag kang istorbo...” natawa na lang ako rito, seryoso nakakatulog s‘ya sa ganyang kalii

