Tignan mo kung hindi nagbihis ’yon ede makikita n‘ya si boss na nakaboxer lang tch. “Sir!” anito kaya naman napatingin ako kay boss mabuti at sumunod sa sinabi ko. “Ano‘ng pinunta mo rito?” tanong ni boss at umupo sa office chair n‘ya. “Ipapakita ko lang po itong ginawa namin para mapirmahan n‘yo po.” Kinuha naman ni boss ang envelope at binasa ito. Pero mukhang hindi ito nagustuhan ni boss, base sa nakikita ko sa mukha nito. “What this? Seriously? Papapirmahan n‘yo sa akin ang basurang papel na ito? Ulitin n‘yo ‘yan!” anito at pabasak na nilapag ang envelope. Nakita ko naman ang babae napaluha na sa kahihiyan. “Sorry, sir uulitin na lanh po namin...” “Dapat lang!” sigaw pa ni boss, umalis naman agad ang babae. Si boss naman halatang nabadtrip dahil napahilot ito sa batok. Kawawa n

