Lagasin ko kaya ang ipinagmamalaki n'yang buhok, nakarebond lang ang yabang na. Nakakagigil s‘ya! “Wala akong pakialam kahit maubos pa itong buhok mo! Linisin mo ang binasag mong baso! Letche ka, ang kapal ng mukha mo pumunta ka ba rito para magbasag ng gamit na hindi sayo!” “Ayoko nga!” diniin ko lalo ang kapit sa buhok nito. Aba matigas ang ulo ng babaeng ito. Ano‘ng akala n‘ya? Papayag akong paalisin s‘ya ng hindi n‘ya inaayos ang sinira n‘ya. Dapat nga bayaran pa n’ya ang sinira n‘ya. “Wala kang karapatang umangal, kasi binasag mo ‘yan linisin mo! At nandito ka sa pamamahay ni boss!” Ani ko at sinubsub ang mukha n‘ya, pasalamat s‘ya ‘di ko nginudngud ang pagmumukha n‘ya sa bubug. Baka lalabas s‘ya ritong puro dugo ang mukha. “Linisin mo o ingungudngud kita?” utos ko na may pagbaba

