Mabilis pa sa alas kwarto akong bumunot ng dalawang baril sa aking tagiliran at pinatamaan sila isa isa. Nang tumba na silang lahat ay buhay pa naman sila. Hindi ko sila papatayin dahil may kailangan pa kami sa kanila. Agad naman akong kumuha ng tali. Hinati namin na isakay ang mga lalaki sa van na ginamit nila ako na nagdrive at dinala namin sila sa headquarters. Kinulong muna namin sila, gusto naming si Shavin na ang bahala magpahirap sa kanila. “Aray ko, nakakatatlo ka na!” inis na ani ko, paano palagi syang nambabatok. Nakakainis na talaga ang lalaking ito, akala n‘ya yata hindi masakit ang pagbatok n‘ya tch. “Paano kung namatay tayo, pasalamat ka t*nga ang mga kolokoy na ‘yon!” “Mag relax ka na nga, ang mahalaga ngayon buhay tayo. Hindi ko lang alam nextime!” Natatawang ani ko. “T

