Pinatong ko ang mukha ko sa tuhod ko at umiyak nang umiyak. “Haykira,” napatingin naman ako kay Ate Lucy, sinundan pala ako nito. “Ate Lucy...” tumapat ito sa akin at niyakap ako. “Sabihin mo sa akin lahat makikinig ako...” anito sa akin, mas lalo akong napahagulgul. Masarap rin pala minsan na mailabas mo ang lahat sa isang tao. “Pakiramdam ko, ang dumi dumi ko ate... pakiramdam ko hindi ko na deserve mahalin... natatakot ako ate... hindi ko alam kung paano ko makakalimutan ang nangyari...” “Lakasan mo lang ang loob mo, patay na ang gumawa sayo n‘yan. Hindi ka na mahahawakan ulit ng manyak na iyon...” “Patay na s‘ya pero nandito pa s‘ya ramdam ko pa rin ang nga haplos n‘ya.. ” “Hayaan mo lang, mahirap tanggapin ng madalian pero kaya mo ‘yan magpakatatag ka lang. Nandito kami, hindi

