Pagkarating namin sa bahay nito, agad kaming pinaupo. Dahil naiilang na ako sa matanda nagpaalam ako kay boss. “Boss, mag-cr lang ako...” paalam ko rito, tumango ito. Tinuro naman ng matanda ang daan papuntang cr. Habang binabaybay ko ang daan patungong cr, nakasalubong ko ang isang lalaki na mukhang dito nagtatrabaho. “Miss, bago ka rito?” tanong nito. “Oo, mag cr lang ako tapos babalik na rin ako sa meeting room.” “Huwag ka maingay, pero sasabihin ko sayo ito para maging aware ka rin.” “Ano ba ‘yon?” tanong ko rito, kinabahan naman ako. “Mag ingat ka sa matandang si Mr. Haston...” bulong nito. “Huh bakit?” tanong ko rito, parang alam ko na ang sasabihin n‘ya pero hinayaan ko lang dahil gusto ko rin makasigurado. “Hangga‘t maari ‘wag kang didikit sa kaniya. Manyak ‘yan, marami ng

