Nakita ko naman na natutulog na ito, ako naman ito pinagmamasdan lang s‘ya. Hindi naman kasi nakakasawa ang pagmumukha n‘ya. Maya maya lang may tumawag sa telepono baka importante kaya dahan dahan akong umalis at inalis ang pagkahawak n’ya sa kamay ko. Nahirapan ako dahil mahigpit pa rin n‘yang hawak, pero nakatakas pa rin. Sinagot ko agad ang telepono. “Shavin,” si Kuya Klayt ang natawag. “Kuya Klayt si Haykira po ito personal assistant ni boss. Kasalukuyan pong may sakit si boss, kaya naman nagpapagaling s‘ya...” “Kaylan ang uwe n‘yo?” “Hindi pa ho namin alam kuya, dahil may bagyo, papalipasin na muna namin ito tapos babalik na kami sa manila.” “K,” “Hi, Haykira!” “Ate Lucy?” “Gusto ko lang sabihin, sulitin n‘yo ang bakasyon n‘yo ni Shavin ehe. Bye bye!” napanganga na lang ako

