Nandito na kami sa island na sinasabi ni boss, kinuha ko na ang mga gamit at bumaba na kami. At syempre dahil sya ang boss, ako ang pinagdala n‘ya ng mga maleta n‘ya. Oo, dalawang maleta lang naman akala mo pupunta ng ibang bansa. “Boss?” tawag ko rito habang naglalakad kami papunta cottage namin, hindi ko ma-enjoy ang ganda ng tanawin paano ako mag eenjoy dami kong dala. “What?” seryosong tanong nito, nagshade pa s‘ya tapos ang angas maglakad. May mga babae namang nandito na halata mong kinikilig. “Ano bang laman ng maleta mo?” “Tch, personal.” “Ah.” “Hi baby, what's your name?” tanong ng malanding lumapit sa kaniya. “Shavin,” anaka ng weteng nagpakilala pa nga. “Can i have your number?” “No,” “Awh, basted agad...” nakangusong ani ng babae, ang harot. Napatingin ito sa akin, t

