Nang matapos ako maghanda, kumain na s‘ya. Napailing na lang ako, paano naman nagutom ‘to tch. “Boss hinay hinay...” ani ko na lang at kumain na rin. Nang matapos ito kumain, tinapos ko na rin pagkain ko. Bumalik naman na ito sa kama at ako naman ay bumalik sa kuwarto ko. Maya maya lang narinig ko na may tumawag sa telepono n‘ya. “Got it,” aniya at binaba na ang tawag, bigla naman itong sumilip sa akin kaya nagtaka ako. “Bakit?” “Be ready tommorow, darating bukas ang may ari ng island na ito.” “S‘ya ba ang ka-business meeting mo rito?” “Yes, nalaman ko kasing binebenta ito. Ngayon sana ang dating n‘ya inaya pa nga ako mag golf pero may bagyo kaya hindi s‘ya nakabyahe agad.” Tumango tango naman ako rito. “Okey boss,” kaya pala kanina makulimlim na may bagyo pala baka mamaya umulan n

