EPISODE 16

1647 Words

BERNADETTE “Nakakahiya naman sa iyo, Cyrus. Sinamahan mo pa ako rito. Okay lang naman na hindi na,” sabi ko kay Cyrus dahil sa pag-stay niya. Napakamot siya ng ulo. “Ayos lang ’yun. Pakiramdam ko ay hindi ka pupuntahan ng asawa mo kaya sinamahan na kita.” Napayuko ako. May tama naman si Cyrus. Hindi naman talaga ako sasamahan niyon. Tinatawagan ko si Fernan, ngunit hindi niya sinasagot ang tawag ko. Nangilid ang luha ko. “I am so sorry. Wala akong karapatang panghimasukan ang tungkol sa inyo. Hindi ko lang mapigilang mainis sa asawa mo. Dapat siya ang nandito upang samahan ka,” sabi ni Cyrus at napailing. “H-Hindi kami in good terms ng asawa ko. Ikinasal kami na labag sa kagustuhan niya. Ang Mommy ng asawa ko ang nag-insist na pakasalan ako para panagutan ang nangyari sa aming dalawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD