BERNADETTE “Mabuti ako ang tinawagan mo,” sabi ni Cyrus nang dumating siya. Siya ang unang taong naisip kong tawagan na makatutulong sa akin. Buti na lang binigay niya sa akin ang kanyang cellphone number. Tanging pag-iyak lang ang nagawa ko at hindi ko nasagot ang sinabi niya. Ang pakiramdam ko sa mga sandaling ito ay hinang-hina. Pakiramdam ko ay bibigay ang katawan ko. Iniisip ko lang talaga ang anak ko. Naaawa ako sa kanya dahil nasa sinapupunan ko palang ay purong hirap na ang nararamdaman niya. Dito ako sa tinutuluyan ni Cyrus magpapalipas ng gabi. Bahala na bukas kung saan ako makakarating. Wala naman akong kilalang ibang tao na matutuluyan ko ng matagal. Ayoko namang gambalain si Mommy Lilly. “Uminom ka muna ng tubig para magkaroon ka ng lakas. Baka mahimatay ka na naman.” Na

