BERNADETTE Napalingon ako sa pinto ng silid ko. Para kasing may tao, ngunit wala naman akong nakita. Sinuot ko agad ang robe at pinuntahan ang pinto na naka-open pala. Sinilip ko ang labas, ngunit wala namang tao. Napapailing akong habang sinasarado ang pinto. Nang makahiga ay naalala ko ang sinabi ni Fernan kanina. Mawawala ng isang buwan si Fernan. Hindi ko na naman siya makikita ng isang buwan. Baka naman kapag nandoon na siya ay makahanap siya ng iba. Pinilig ko ang ulo ko para magising sa kahibangang nasa isip ko. E, ano naman kung makahanap ng iba si Fernan? Wala naman kaming relasyon na para magselos ako. Ayokong pangunahan kung ano’ng nararamdaman ni Fernan para sa akin. Baka naman kaya mabuti ang pakikitungo niya dahil sa anak namin. Iyon naman talaga ang dahilan. Pinilit ko

