BERNADETTE Nang pumasok ako sa opisina ay si Fernan ang laman ng isipan ko. Ni hindi ko na napansin ang serkretarya kong bumati sa akin. Kung hindi pa niya ako tinapik sa balikat ay hindi pa ako matatauhan. Okupado ng isipan ko si Fernan dahil sa nangyari kagabi. Gusto kong batukan ang sarili ko dahil nagpatangay ako sa damdamin ko sa kanya. Naging mahina ako sa tukso. Ano na lang ang iisipin ni Fernan? Baka iniisip niyang madali lang pala akong matukso. Napailing ako sa sarili ko. Hindi maikakailang matindi pa rin ang pagmamahal ko kay Fernan kaya madali akong matukso. “Ma’am Berna, meron po kayong meeting kay Mr. Sarmiento tungkol sa damit na pinagagawa niya,” paalala sa akin ng sekretarya. Natampal ko ang noo ko dahil nakalimutan kong ngayon pala kami mag-uusap tungkol sa pagbabago

