FERNAN Hindi ko masisisi si Bernadette na sabihin hindi niya ako mami-miss kung ako ay nawala ng matagal na panahon. Gusto kong matawa sa sarili ko dahil bakit ko tinanong pa sa kanya iyon, para saan? Mukha tuloy akong naghahangad pa ng pangalawang pagkakataon sa aming dalawa. Tinanggap ko nang hindi na kami magiging kami uli. Yung nangyari kagabi ay nadala kami sa bugso ng aming mga damdamin. Hindi ko man sadya, ngunit nadarang ako na pinagsisisihan ko. “By the way, aalis ako sa susunod na buwan,” sabi ni Mommy na pinagtaka ko. Kunot noo ko siyang tiningnan. “Saan po kayo pupunta?” tanong ko. Hindi ko pa nasasabi sa kanya na aalis din ako patungong US para magpagamot. “Sa london.” “Ano’ng gagawin mo po doon? Mamamasyal doon?” sunod-sunod kong tanong. “Oo mamasyal ako para naman

