EPISODE 41

1284 Words

BERNADETTE Kanina pa ako hindi mapakali na hindi ko maintindihan. Magmula nang pumasok ako sa opisina ay tila parang may kung ano’ng mangyayari na hindi ko alam kung ano. Naisip ko si Fernan. Kumusta na kaya siya? Mukha akong tanga na iniisip ang taong kausap ko lang kahapon. “Hello, baby,” bati ni Braden at naupo sa ibabaw ng table ko. Nangunot ang noo ko. Pauwi na ako bakit dumalaw pa ang lalaking ito. “Ano’ng kailangan mo? Pauwi na ako,” sabi ko habang inaayos ang mga gamit sa ibabaw ng table ko. Kinuha ko ang bag at binuksan para kunin ang suklay. Nagsuklay ako ng buhok ko. “Gusto sana kitang invite sa birthday ng pinsan ko. May konting handaan doon.” Mas lalong nalukot ang noo ko dahil sa totoo ay hindi ko naman personally kilala ang sinasabi niyang pinsan at saka gabi na. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD