FERNAN Hindi ko pinahahalatang hindi pa ako okay. Ayaw pa sana ako I-discharge ng doktor dahil hindi pa ako okay. Sinabi ko lang na sa bahay lang naman ako at hindi lalabas. Binawalan niya akong magtrabaho muna at mag-rest muna ng isang linggo. Ngunit sadyang matigas ang ulo ko. Gusto ko kasing makita ang anak ko. I really miss her. “Kumain na ba kayo, sir?” Tanong ni Luna. Umiling ako. “Tamang-tama po maghahain na ako ng pagkain sana ni ate Berna,” aniya. Agad na kumuha ng plato si Luna. Napatingin ako kay Bernadette na napapatingin sa akin habang buhat ang anak namin. “Can I carry her?” Paghingi ko ng permiso. Ilang sandaling nakatitig lang sa akin si Bernadette. Binigyan ko siya nang ngiti. Binigay niya sa akin ang anak namin. Agad kong hinagkan ang pisngi niya na kinangiti ng ana

