Episode 31

1676 Words

BERNADETTE Hindi ko maiwasang magtaka sa ikinikilos ni Fernan. Hindi niya inaway si Braden kahit todo ang pang-asar ng lalaking iyon sa kanya. Hindi ko ma-enjoy ang date namin ni Braden na kanina pa salita nang salita. Totoo kaya ang ipinapakita ni Fernan o palabas lang niya ito para hindi ako magalit? Haist, Berna. Ano bang nangyayari sa iyo? Hindi ba ganito naman ang gusto mo na huwag kang pakialaman ni Fernan sa mga gusto mong mangyari sa buhay mo? “Mukha yatang busog ka pa, ah?” wika ni Braden na nakatingin sa plato ko. Hindi ko kasi nabawasan man lang ang pagkain ko. Pinaglalaruan ko lang ang tinidor at pinaikot-ikot ang pasta sa plato ko. Tipid akong napangiti. “Busog pa nga ako. Iniisip ko lang ang anak ko. Baka kasi umiiyak na iyon. Hindi sanay iyon na wala ako sa tabi niya k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD