Sabado, pero wala si Jayson ngayong araw. Hindi ko alam kung bakit kasama siya sa business trip ni Tito pero hindi na ko nagtanong. Nagpahinga na lang din ako. Wala akong balak na umalis ngayong araw. Siguro matutulog na lang ako o kaya manunuod ng TV. Hay, buhay matanda nga naman. Walang maraming kaibigan at laging masakit ang katawan sa pagtatrabaho. Bumuntong hininga ako habang nauupo sa kama. Kaliligo ko lang at napatingin sa drawer kung nasaan ang wedding ring ko. Sino ba kasing niloloko ko? Una palang alam ko na, na mapapansin niyang hindi ko suot 'yon. Puro trauma lang ang naaalala ko sa singsing na 'yon. Mula noong sinuot ko 'yon noong araw ng kasal namin, nagsimula na rin ang lahat ng paghihirap ko. Na para bang may kakambal 'yon na malas. "Pero ngayon..." Tinignan ko ang k

