"Paanong diyan ka muna titira sa inyo?" Napakunot ako ng noo habang kausap si Lisa sa kabilang linya. Pagkauwi ko ng bahay, wala na siya at hindi manlang nagsabi sa akin. "Hindi ko maintindihan ang sinasabi mo. Lakasan mo naman, Baby. Para kang umiiyak? Umiiyak ka ba?" kunsumido kong ulit. Napahilamos na ko ng mukha habang hinang-hina na nauupo. Wala siyang sinagot at basta na lang pinatay ang tawag. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi ako mapakali kaya mabilis akong bumalik sa sasakyan ko. Pinaandar ko 'yon at mabilis na nag-drive papunta kay Lisa. Para kasi siyang umiiyak saka bakit naman biglaan siyang aalis? Tapos hindi pa nagsasabi. Kilala ko siya, hindi niya gagawin 'yon nang walang dahilan. Pagdating ko sa bahay ng parents niya. Naabutan ko si Alex, na mismong nagbukas ng pinto

