Kanina pa tahimik ang lahat. Nakikiramdam ako kasi nag-aalala akong may nakarinig sa akin kagabi. Ano ba kasing iniisip ko?! Anong nangyari?! Bakit napakabilis kong bumigay?! Galit ako. Tama galit ako. Pero bakit ngayong lumilingon ako kay Jayson, parang wala lang? Wala akong maramdaman na galit sa kanya. Naka-move on na ba ko? I mean, naka-move on na ba ko sa sakit? Ginugusto ko pa rin bang mahalin siya sa kabila ng nangyari? Anong klaseng pagmo-move on ang ginawa ko? Ngumawa lang ako ng isang araw, umiyak mag-isa sa kwarto at nakipag-s*x sa kanya kagabi, 'yon na 'yon? "Anong gusto mo?" Pagpansin sa akin ni Jayson pero sa labi niya lang ako nakatingin. Parang naging slow motion ang pagbukas sara ng bibig niya. Mabilis akong umiling-iling para gisingin ang sarili ko. "Ano bang nan

