"Lisa?" Hinanap ko agad siya para yakapin. Bwisit na Alex 'yon. Subukan niya lang. Kahit magkampihan pa sila. Tsk. "Naiintindihan ko, ma. Alam kong matatagalan pa bago tanggapin ulit ni Papa ang asawa ko, pero hindi ba unfair na hindi natin siya isasama sa outing? Si Alex nga kasama tapos si Jayson iiwan?" Nahinto ako sa paglalakad at napasandal sa pader. "Nagsisimula na sila," nakatulalang bulong ko habang niluluwagan ang suot kong necktie. Hindi ako papayag na mawala sa akin si Lisa. Wala akong kasalanan, wala akong ginawang masama at ang tanging masamang nangyari lang naman ay nawalan ako ng alaala, nagpauto at matagal na naloko. "Ma, alam ko namang ayaw na ni Papa kay Jayson. Pero asawa ko pa rin siya at hindi ko po siya hihiwalayan." "Speaking of Jayson, nasaan na ba siya? Baki

