"Jayson." Para akong binuhusan ng malamig na tubig nang makita siya sa salamin. Napalunok ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin basta umarte na lang ako. "Aray!" hiyaw ko sabay hawak sa isang kamay ko. Hinayaan ko ring matumba ko sa sahig para mas makatotohanan at convincing. "Anong ginagawa mo? Sinabihan na kitang 'wag kang gagalaw sa kama." Lumapit siya at kunsumido akong binuhat. "Ahm, kasi.. Bumukas 'tong damit ko." Pagdadahilan ko. Tinignan ko siya kung nahuli niya ko at kung galit siya pero hindi. Imbis na mag-react, binigyan niya pa ko ng magandang ngiti bago bahagyang tawanan. "Ang kulit mo," aniya tsaka hinalikan ako sa noo. Napapikit ako nang gawin niya 'yon. Nadama ko kung gaano niya ko kamahal. "Gusto mo bang tulungan na kita?" tanong niya habang dahan-dahan ak

