"Kapatid daw." Gusto kong masuka dahil sa kasinungalingan na narinig ko. "Ang kapal ng mukha. Kung pwede ko lang lagyan ng lason 'yung juice, ginawa ko na." Huminto ako sa pagbulong-bulong nang kumatok si Lisa sa pintuan ng kusina. Tinignan ko siya na nag-aalalang nakatingin ngayon sa akin. "Bakit hindi ka pumasok?" taka kong tanong. "Galit ka ba na pinaalis kita kanina?" Umiling ako sabay ngiti. "Syempre hindi, bakit ako magagalit?" "Natatakot ako sa'yo kasi baka nagalit ka," parang bata niyang sabi saka yumakap sa akin. "Kinausap ko lang siya tungkol sa mga litrato. Sabi niya nag-aalala lang daw siya sa akin." "Mag-ingat ka, kasi sobra siyang nag-aalala sa'yo," pabiro pero sarkastiko kong sabi. "Jayson, hindi ba tayo nago-overreact sa kanya? Noong unang beses ko kayong nakitang da

