Nakita ko ulit kung paano nila pinagtulungan ang asawa ko. Hindi ko man narinig ang usapan nila pero kitang-kita ko sa mukha ni Jayson na nahihirapan siya. "Kamusta puso mo?" tanong ni Mama na nakakuha ng atensyon ko. "Nakita kita kanina, selos na selos. 'Yan ba 'yung kayang makipag-divorce? Eh, parang gusto mo nang kagatin kanina 'yung Daniela." "Ma naman.." reklamo ko. "Lagi mo na lang po akong niloloko." Nag-pout ako na tinawanan naman ni Mama. "Sinasabi ko lang. Kung hindi mo siya kayang hiwalayan, lumaban ka. Kahit sabihin sa iyo ng lahat na hiwalayan mo siya, huwag kang pumayag basta mahal siya ng puso mo, basta alam mo." Hinawakan ni Mama ang dibdib ko at ngumiti ng napakaganda. Aaminin ko, gumaan ang loob ko dahil doon. "Naiintindihan ko na ngayon, Ma. Sobrang dami na naming pi

